TANGHALANG BATINGAW INCORPORATED

About Me

Tanghalang Batingaw is a non-stock, non-profit performing arts ensemble in the Philippines
your name:

url:

your message:

May 7th, 2004

Mga muni-muni ng isang hindi makatulog na kaluluwa

Posted by TBI at 03:48 AM on May 7, 2004.

Biyernes na. Umaga. 3:45 a.m.

Muntikan ko ng isulat ang tungkol sa eleksyon. Nakakatakot. Buti na lang hindi ko tinuloy. Nag-Ctrl-A ako tapos pinindot ko yung delete. Ok na. Tapos na ang bangungot.

Biyernes. Ano nga ba ang nangyayari tuwing biyernes? Noong bata ako, lalo na nung Grade 3, masaya ako. Kasi kinabukasan, walang pasok. Masarap magpuyat kasi mahaba pa rin ang tulog mo.

Noong tumanda ako at pumasok sa UP. Nye, parang ayoko. Kasi toxic ako kapag biyernes. Ang daming subjects. At pag maraming subjects, maraming exams kapag nagsabay-sabay. Didighay ka sa sarap.

Noong maging Batingawer ako, masarap kapag biyernes kasi, malapit ng mag-show. Sa Linggo, may play. Sa Linggo, may masaya. Ewan. Basta gusto ko.

Hindi ko alam kung bakit ako sumusulat. Gusto ko lang. Hindi pa kasi ako inaantok.

Bahala na. Dati maraming batingawers kapag biyernes kasi usually walang pasok 'pag sabado. Kaunti lang meron. Nakakamiss. Nakakalula. Nakakamiss ulit. Tapos nakakalula.

Madalas kaming mag-overnight noon. Ngayon, madalas pa rin. Pero iba-iba na ang mukha. Sa mga mukhang iniba, namimiss ko sila. Sobra. Maraming nangyari pero bandang huli, namimiss ko pa rin sila. Tapos malulula.

Sa mga inibang mukha, marami marahil ang may sakit ng loob. Pero kahit ano pa man iyon, sa lahat ng nakaunawa paminsan at sumumpang hindi mang-iiwan, may nagmamahal sa kanilang hindi makatulog ngayon. Ang corny... syeeeetttt!!!! Pero totoo. Nanunuot sa kaibuturan. Nakakamiss.

Sa mga naibang mukha, masayang matulog kapag biyernes. Nakakalula lang talaga.

Hindi porke nalulula ako ay may karapatan na kayong isiping adik ako. Trip ko lang isulat. Lula. Lula. Lula. Syettt!!! Nalulula ako.

Biyernes. Bukas sabado. Masarap rin kapag sabado. Pagkatapos sa Burger King, punta tayo sa carpet. Tapos, matulog tayo.

Syet!!! Naluluha ako... este... Nalulula.... Hehehe!

1 comments

May 3rd, 2004

Tanghalang Batingaw, Inc.

Posted by TBI at 04:37 AM on May 3, 2004.

This is one of our blogs. Watch out for more posts.

Add a Comment

« Newer | Older »